Paano Mag-Apply ng Loan sa Pera Sayo: Simpleng Gabay para sa mga OFW ng Singapore
Pera Sayo Team
June 18, 2026
Ang bawat OFW ay may iisang pangarapβang mabigyan ng mas magandang buhay ang kanilang pamilya.
Pero alam nating hindi laging naaayon sa plano ang buhay. Minsan may biglaang gastos sa ospital, matrikula ng anak, pagkasira ng bahay, o iba pang emergency na kailangang tugunan agad. Kapag nasa ibang bansa ka, hindi laging madali ang paghahanap ng mabilis at mapagkakatiwalaang pautang..
Dito pumapasok ang Pera Sayo.
Ang Pera Sayo ay ginawa para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa na nangangailangan ng mabilis, simple, at ligtas na paraan para makakuha ng loan online.
Kung gusto mong malaman kung ano-ano ang mga dapat ihanda na mga requirements, pindutin ang link na ito: What are the Requirements?/Ano ang mga dokumentong kailangang ihanda?
Para Kanino ang Loan ng Pera Sayo
Ito ay para sa mga OFW na kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Maaaring mag-apply ang iba't ibang uri ng manggagawa gaya ng:
Domestic Helper
Caregiver
Kitchen Crew
Service Crew
Factory Worker
Warehouse Worker
Driver
Technician
Nurse
Office Staff
Supervisor
Manager
at iba pang mga empleyadong may valid work pass at regular na kita.
Steps sa Pag-Apply ng Loan sa Pera Sayo
Step 1: Gumawa ng Account

Pumunta sa https://perasayo.ph at i-click ang "Apply Now."
Kung first time mong mag-apply, piliin ang "Create Account."
Ilagay ang iyong personal na mobile number at i-click ang "Send OTP."
Makakatanggap ka ng One-Time Password (OTP) sa iyong mobile number. Ilagay ito upang ma-verify ang iyong account.
Pagkatapos nito, ilagay ang iyong personal na email address. Makakatanggap ka ng verification code sa iyong email. Ilagay ang code upang makumpleto ang registration.
Siguraduhing tama ang iyong email address at mobile number dahil dito namin ipapadala ang mahahalagang update tungkol sa iyong application.
π‘ Tip: Laging i-check ang iyong email at WhatsApp para hindi mo ma-miss ang anumang update o request mula sa aming team.
Step 2: Kumpletuhin ang Iyong ApplicationΒ
Sagutan ang online application form.
Ilagay ang iyong buong pangalan at siguraduhing tama ang spelling.
Ilagay ang address kung saan ka kasalukuyang nakatira sa Singapore.
Pagkatapos ay ilagay ang iyong buwanang sahod. Piliin ang SGD kung ikaw ay nagtatrabaho sa Singapore.
Makikita mo ang slider o maliit na puting bilog sa ibaba ng form. I-slide ito pakanan upang piliin ang halaga ng loan na nais mong hiramin.
Paalala: Ang loan amount ay naka-display sa Philippine Peso (PHP). Kapag naaprubahan, ang pondo ay ipapadala sa iyong Philippine bank account o e-wallet.
Piliin din kung ilang buwan mo nais bayaran ang loan:
3 Buwan
4 Buwan
5 Buwan
Kapag kumpleto na ang impormasyon, i-click ang "Submit."
Step 3: Ilagay ang Impormasyon ng Iyong Trabaho at Employer
Ilagay ang mga detalye tungkol sa iyong employer at trabaho.
Siguraduhing pareho ang mga impormasyong ilalagay mo sa iyong work documents.
Hindi namin tatawagan ang iyong employer o kumpanya.
Ang pag-verify ng employment information ay bahagi lamang ng aming proseso upang makumpirma na ikaw ay kasalukuyang nagtatrabaho.
Bilang isang lehitimong lending company, kinakailangan naming magsagawa ng verification bago aprubahan ang isang loan application.
Step 4: I-upload ang Iyong mga Dokumento
I-upload ang mga kinakailangang dokumento para sa verification.
Valid Work Pass (Front at Back)
Pumili ng isa sa mga sumusunod:
Work Permit
S Pass
Employment Pass
Proof of Address
Pumili ng isa sa mga sumusunod:
6ME (Six-Monthly Medical Examination)
IPA (In-Principle Approval)
Screenshot ng Employment Information mula sa SingPass App
Mahahalagang Paalala
β Malinaw ang larawan
β Hindi malabo o blurred
β Kita ang buong dokumento
β Nababasa ang lahat ng detalye
β Walang putol na bahagi ng dokumento
Step 5: Ipadala ang Bank Details
Magpapadala kami ng secure link sa iyong email kung saan maaari mong ilagay ang iyong bank information.
I-upload ang larawan ng iyong bank profile o account information.
Siguraduhing malinaw na makikita ang:
β Buong Pangalan
β Account Number
Maaari ring gamitin ang:
GCash
Maya
Makakakita ka rin ng mga sample documents upang gabayan ka sa tamang pag-upload.
Narito ang mga sample: Dokumentong Kailangang Ihanda.
Ito ang listahan ng mga bangko na aming tinatanggap:
Asia United Bank (AUB)
Banco De Oro Unibank, Inc.(BDO)
Bank of the Philippine Islands (BPI)
BPI Direct BanKO, Inc., A Savings Bank
CIMB Bank Philippines
EastWest Rural Bank or Komo
Philippine National Bank (PNB)
Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC)
Seabank Philippines Inc.
Tonik Digital Bank, Inc.
Union Bank of the Philippines (UBP)
Security Bank Corporation
Land Bank of The Philippines
GoTyme Bank
Maribank
Step 6: Pirmahan ang Kontrata o Loan Agreement
Kapag naaprubahan ang iyong loan application, makakatanggap ka ng email mula sa Pera Sayo.
I-click lamang ang link at pirmahan ang Loan Agreement online.
Siguraduhing ang iyong pirma ay katulad ng pirma sa iyong mga valid ID.
Basahing mabuti ang lahat ng terms at conditions bago pumirma.
Step 7: Tanggapin ang Iyong Loan
Kapag kumpleto na ang iyong application at naaprubahan ang iyong loan, ipapadala ang pondo sa iyong napiling:
β Philippine Bank Account
β GCash
β Maya
Pagkatapos nito, maaari mo nang gamitin ang pondo para sa iyong mga pangangailangan o para makatulong sa iyong pamilya sa Pilipinas.
Huwag Kalimutang I-check ang Iyong Email at WhatsApp
Maraming aplikasyon ang nade-delay dahil hindi agad nababasa ang mga mensahe ng aming team.
Kung may hinihinging karagdagang dokumento o impormasyon, mas mabilis ang proseso kapag mabilis ka ring nakakasagot.
Regular na i-check ang iyong email at WhatsApp para sa mahahalagang updates tungkol sa iyong application.
Pera Sayo β Para sa Pangarap Mo. Para sa mga Mahal Mo.